May Nabalitaan Ka Bang Mga Organisasyon Na Nagsagawa Ng Kilos-Protesta? Tungkol Sa Anong Usap\Xedn Ang Kanilang Ipinoprotesta?
May nabalitaan ka bang mga organisasyon na nagsagawa ng kilos-protesta? Tungkol sa anong usapín ang kanilang ipinoprotesta?
Answer:
Meron. Tuwing buwan ng June, isang malakihang pagprotesta ang isinasagawa ng ating mga kababayan na bahagi ng LGBT community. Ito ay pinangalanan nilang Pride March. Bagamat ito ay isang selebrasyon, ito ay isa ring uri ng pagkilos protesta.
Ang LGBT community ay binubuo ng lesbians, gays, bisexuals, transexuals, at iba pa. Sila ay mga taong hindi sumasang-ayon sa biological na sekswalidad na mayroon sila. Malaki ang bilang nila sa kasalukuyan subalit sa kabila nito, sila ay patuloy pa ring nakararanas ng kaliwat kanang diskriminasyon mula sa ibang tao.
Ang unang Pride March ay isinagawa noong June 27 1970 sa Washington Square Park. Sa paglipas ng panahon, ang Pride March ay isinagawa na rin sa ibat ibang panig ng mundo. Mula sa Estados Unidos, ito ay isinagawa na rin sa mga bansa sa Europe at maging sa Asya. Dito sa Pilipinas, ito ay unang isinagawa noong June 24 1994 sa Manila.
Ang Pride March ay isang selebrasyon ng kalayaan ng mga taong bahagi ng LGBT community. Ito ay isang uri rin ng pagprotesta upang sila ay magkaroon ng pantay na karapatan at pagkilala sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang lakas at pagkakaisa ng LGBT community patungkol sa mga isyu ng diskriminasyon, panglalait, at pisikal na pananakit na kanilang nararanasan mula sa ibang tao.
Nitong June 29, 2019, isinagawa ang isa sa pinakamalaking Pride March sa Asya. Mayroong humigit kumulang na 50,000 ang dumalo sa kabila ng masungit na panahon. Ang mga datos na ito ay nagpapakita lamang ng patuloy na pakikipaglaban ng mga taong bahagi ng LGBT community upang sila ay makilala rin sa ating lipunan at mabigyan ng pantay na karapatan.
Code: 9.24.1.4.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kahulugan ng kilos protesta, mangyari lamang i-click ang mga sumusunod na link/s:
Comments
Post a Comment