Use Kasakiman In Sentence
Use kasakiman in sentence
ANO NGA BA ANG KASAKIMAN?
Ang KASAKIMAN-ay isang uri ng pag-uugali ng isang tao. Ito ay ang pagdadamot ng isang bagay, ginugusto niya na sa kaniya lang mapunta ang lahat . Pagiging makasarili. Minsan iniuugnay din ito sa salitang Katiwalian.
PANGUNGUSAP:
1.) Marami ang naiinis kay Juan dahil sa kaniyang kasakiman.
2.) Dahil sa kasakiman ng isang tao, marami ang nawalan ng trabaho at pagkain.
3.) Kasakiman ang nagtulak sa iba na gumawa ng mga bagay na labag sa batas.
4.) Natuklasan ng isang negosyante na kasakiman ang umiral sa kaniyang mga empliyado para pagnakawan siya.
5.) Noon pa man,marami na sa tao ang may kasakimang nagnanakaw ng pagkain para lamang sa pansariling interes.
6.) Dahil sa kasakiman nawala ang lahat ng mga taong malalapit sa kaniya.
7.) May kasakimang inagaw ni Juan ang lahat ng ari-arian ng pamilya ni Pedro.
8.) Naghirap ang pamilang Villar dahil sa kasakiman ng kaniyang mga pinagkatiwalaan sa negosyo.
9.)Kasakiman ang punot dulo ng lahat ng masasamang nangyayari sa ating lipunan.
10.) Kung hindi dahil sa kasakiman, marami sana sa ngayon ang may matatag na trabaho, sapat na pagkain at mga pabahay.
Sa mga ipinakitang pangungusap, karaniwan na ang salitang kasakiman ay laging iniuunay sa masasamang bagay na nagdudulot ng maraming problema sa iba.
Comments
Post a Comment