Mga Aral Na Makukuha Sa Kabanata 36 Sa El Filibusterismo?

Mga aral na makukuha sa kabanata 36 sa el filibusterismo?

El Filibusterismo

Kabanata 36: Mga Kapighatian ni Ben Zay

Aral:

Ang kabanatang ito ay nagtuturo ng kahalagahan ng pagiging tapat at makatotohanan. Si Ben Zayb, ang pangunahing tauhan ay isang indiyong manunulat na nangangarap na mabigyan ng parangal ngunit ang kanyang artikulo ay ibinalik lamang sa kanya ng kanyang patnugot at sinabi na wag na ulit magsusulat ng tungkol sa nangyaring paglusob. Sa kanyang artikulo kasi ay pinalabas niyang bayani sina don Custodio, Padre Sibyla, at ang kapitan heneral. Mangyaring hindi niya ginawang makatotohanan ang mga nakasulat sa kanyang artikulo. maging ang bilang ng mga tulisan na lumusob sa kumbento ay kanyang binago upang palabasin na dahilan kay nasugatan ang paring si Camorra. Maging ang mga impormasyon na ibinigay ng nahuling tulisan ay kanyang binago. Pinalabas niya sa artikulo na si Simoun ang nanguna sa nangyaring paglusob at ito ay may pinahintulutan ng kapitan heneral.

Idinagdag pa ni Ben Zayb sa artikulo na ang paglusob ay sinuportahan pa ng mga artilyero at ang hudyat na ibinigay ay ang malakas na putok, bagay na pinabulaanan lahat ng kapitan heneral. Walang nais maniwala na si Simoun ang nanguna sa nangyaring paglusob samantalang si Simoun ay hindi na natagpuan pa sa kanyang tahanan. Ang tanging naroon na lamang ay ang mga bala at pulbura. Kasabay nito, si Don Custodio ay naghanda na rin ng habla laban kay simoun. Mabilis na kumalat ang balita na si Simoun ay pinaghahanap na ng batas at ang karamihan sa mga tao ay hindi makapaniwala.

Read more on

brainly.ph/question/2145782

brainly.ph/question/2135300

brainly.ph/question/2142819


Comments

Popular posts from this blog

What Are The Three Form Of Mixture And Their Characteristics?

Ano Ang Allegory Of The Cave

Brianna2019s Parents Built A Swimming Pool In The Backyard. Brianna Says That The Distance Around The Pool Is 120 Feet. Is She Correct? Explain Your R