Ano Ang Ibig Sabihin Ng Begin With The End Of Mind" Sa Esp 9

Ano ang ibig sabihin ng begin with the end of mind" sa esp 9

Napakaraming maaaring maging kahulugan o ibig sabihin ang "begin with the end in mind". Ang pananaw ng isang tao tungkol dito ay nakabatay sa kung paano niya ito naintindihan. Ito rin ay maaaring maiugnay sa ibat ibang karanasan o aspekto sa buhay ng tao.

Ang "begin with the end in mind" ay nagmula sa librong isinulat ni Stephen Covey na may titulong "7 Habits of Highly Effective People". Upang mas makilala natin kung sino nga ba si Stephen Covey, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1376150

Ang librong ito ay naglalathala ng mga gawi o habit ng mga taong naging matagumpay sa kani-kanilang mga buhay. Nais ni Stephen Covey na ibahagi ang mga ginawa ng mga taong ito upang sila ay maging inspirasyon sa iba na nais ding maging matagumpay sa buhay. Kasama sa akdang ito ang kasabihan na "begin with the end in mind". Ano nga ba ang kahulugan nito?

Ito ay ang pagsisimula ng gawain na nasa isipan na ang resulta. Sa mas madetalyeng paliwanag, bago tayo gumawa ng isang aksyon ay dapat nahihinuha na natin ang mga magiging resulta nito. Sa ganoong paraan, magiging sigurado ang tagumpay ng tao at maiiwasan ang pagkakaroon ng mali. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan nito, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1722661

Ang kasabihang ito ay lubos na makakatulong sa pagtupad ng mga mithiin at pangarap sa buhay. Bukod dito, maaari ring tandaan ang kasabihang "Put first things first". Upang mas lalong maintindihan ang kasagutang ito, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/545322


Comments

Popular posts from this blog

What Are The Three Form Of Mixture And Their Characteristics?

Ano Ang Allegory Of The Cave

Brianna2019s Parents Built A Swimming Pool In The Backyard. Brianna Says That The Distance Around The Pool Is 120 Feet. Is She Correct? Explain Your R